Monday, September 23, 2019

MGA KAHULUGAN NG MGA PANAGINIP

Kahulugan ng mga Panaginip
by Bhelamira

#TUBIG
-Ang tubig sa panaginip ay kumakatawan sa ating emosyon at damdamin
-Ang malinis na tubig sa panaginip ay nangangahulugan na maayos mo nakokontron ang iyong emosyon at damdamin
-Ang maruming tubig naman ay nangangahulugan na hindi mo maayos na nakokontol ang iyong sarili at damdamin

#Bumbero
-Nangangailangang iligtas o maligtas
Sa isang sitwasyon

#PARU
-Kapag nanaginip ka ng butterfly it indicates na ready kanang ituon at i-devote ang time at atensyon mo sa iyong family at sa iyong home life.
-Butterflies also represents imagination (imahinasyon), love(pagmamahal), pleasure(kasiyahan), and inner essence(tunay na pagkatao) and personality(personalidad),posibleng binabago mo ang iyong pag uugali, at paniniwala sa isang life issue.

#ATIS
-Kung ang managinip ng atis ay single pa lang, nangangahuugan ito na mahihirapan kang makisama sa pamilya ng girlfriend o ng boyfriend o ng mapapangasawa...
Kung ang managinip ng atis ay may asawa na, nangangahuugan ito na hirap ka pa ring makisama sa pamilya ng iyong asawa magpahanggang ngayon.
Kung sa iyong panaginip ay kinagat mo o kaya ay kinain mo ang atis... nangangahulugan ito na mapapaaway ka o may makakaalitan ka sa pamilya ng iyong girlfriend o boyfriend o ng mapapangasawa o ng asawa.
-Butterflies also represents imagination (imahinasyon), love(pagmamahal), pleasure(kasiyahan), and inner essence(tunay na pagkatao) and personality(personalidad),posibleng binabago mo ang iyong pag uugali, at paniniwala sa isang life issue.
-Kapag nanaginip ka ng makulay na butterfly sa iyong dream, it implies that you will have a constructive influence o, mga taong susuporta sayo sa darating na kaganapan Ng pangyayari.

#ASO
-Sinisimbolo ng aso sa panaginip ang loyalty,generosity,maturity kung sa panaginip ikaw ay nakarinig ng pagkahol ng aso nangangahulugan lamang ito na may kasalukuyan kang pakiramdan na nasira ang iyong reputasyon
Kung sa panaginip naman ay kinagat ang daliri mo ng aso nangangahulugan lamang ito na may mga tao na sumisira sayo at sinisimbolo rin ng aso na gunugulo ka ng guilt.

#GRIPO
-Ang gripo sa panaginip ay kumakatawan sa kakayahang makontrol ang damdamin at mapili kung alin lamang ang emosyong nais na ipakita sa mga tao

#SEA
 (dagat)
-To dream of the sea reflects your current emotions, nakadepende ito kung kalmado o malakas Ang pag alon.Nagpapakita ito Ng estado Ng iyong damdamin.The dream may also suggest kung ano Ang obserbasyon mo sa sitwasyon at nararamdaman mo. Kung mapayapa Ang Alon..you feel peace. Kung maalon you feel stressed.In addition, the dream may represent the need to offer someone else comfort and ease.
kahulugan ng panaginip....

#PUNO
-“Hahaba pa ang buhay mo.”

#KUBETA
-“May darating na pera.”

#ULAN
-Panaginip tungkol sa ulan ay isang simbolo ng pagbabago at spiritual cleansing.
Ang ulan, simbolo ng banal na pagpapala at revelation. Ito ay nagdudulot ng tungkol sa pagkamalikhain at paglago.
Ang ulan na may kasamang kulog at kidlat sa panaginip, ayon sa "the dream book of Vanga" ay isang paghahayag ng kalooban ng Diyos. Kung ang isang tao ay natatakot sa mga bagyo, ito ay nangangahulugan na siya ay may ginawang kasalanan sa buhay at kailangan itong itama.

Ulan na may katamtamang lakas ay simbolo ng kasiyahan at parating na tagumpay.
Ulan na malakas at may madilim na ulap ay simbolo ng pagkabagabag dahil sa iyong problema.
Ngunit, kung wala namang pinsala o pagkawasak dulot ng malakas na ulan sa iyong panaginip, simbolo ito ng paglago (profits), awa at pagpapala.
Ulan na may pagbaha at maruming tubig ay nagpapakita na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.
At kapag nanaginip ka ng ulan, ikaw ang nagre-release ng tension at stress dahil ang ulan ay simbolo rin ng ating emosyon.
At maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo.
Sa mga babae ang panaginip na ulan ay pagre-release ng sexual desires.
Sa mga lalaki naman ay maaaring ay simbololo ng pag-unawa ng kanyang sarili at lalo na sa damdamin ng kanyang partner.

Ang ulan ay isang positibong simbolo panaginip , na nagpapahiwatig na natagpuan mo na ang solusyon sa iyong problema.

#PUTIK
-“Magkaka-problema ka sa buhay mo.”

#LUPA
-“Magiging humble ka at mapag-kumbaba.”

#SINGSING
-“May nagmamahal sa iyo.”

#MASKARA
-“May nagkukunwari sa ‘yo.”

#APARADOR
-“May nawawala kang pag-aari na dapat hanapin.”

#MIRROR
 (SALAMIN)-
-“May espiritung gumagala sa bahay mo”

#PITAKA
-Kung ano ang binabalak mong bilhin ay maaantala.”

#NUMERO
 (NUMBER)- “
-Dapat na tumaya ka sa lotto.”

#BUNDOK
sinisimbolo ng bundok ang pagsubok.kapag sa panaginip ay matagumpay mong narating ang tuktuk ng bundok. nangangahulugan lamang ito na mapagtatagumpayan mo ang mga pagsubok na iyong hinarap o sa kasalukuyan.

kapag sa panaginip naman ay nasa isang bundok at tumatanaw ng dalampasigan.nangangahulugan lamang ito na inaaral mo ang iyong buhay ng walang panghuhusga.

#TAE
- May biyayang darating o pera

#BULAKLAK
-Nagpapahiwatig ng kagandahan at kaligayahan

#NUMERO
-Kapag nanaginip ng numero indikasyon ito ng mga petsang mahalaga para sa iyo maaaring ito ay espesyal na araw,anebersaryo,edad,kaarawan,ect.

#KAMA
-Panahon na para bigyan ng kapahingahan ang sarili tumigil mona sa maraming kaabalahan at bigyan pansin ang katawan

#TIRAHAN
-Indikasyon ito na kailangang lumingon sa pinanggalingan upang magamit ang mga aral ng nakaraan

#KAWAYAN
-Ang panaginip tungkol sa kawayan ay indikasyon ng katatagan at madaling pag angkop sa mga problema at karanasang malulungkot

#SANGGOL
-Sinisimbolo ng sanggol ang isang bahagi ng iyong pagkatao na inosente,malinis at mabuti.sinisimbolo rin nito ang iyong karakter na madaling utuin at kailangang alagaan

#AHAS
-Kung sa panaginip ikaw ay nakakita ng ahas at lumalapit sa nangangahulugan lamang ito na dapat mong ipagpatuloy ang iyong mabuting desisyon at hindi ka dapat mag paapekto sa mga negatibong tao sa iyong panaginip
Kung sa panaginip naman ikaw ay natakot sa ahas nangangahulugan lamang ito na dapat maghinay hinay ka sa iyong mga disisyon at hwag kang magpadalos dalos.
At kung sa panaginip naman ay nilibutan ka ng ahas.isa itong paalala sayo na dapat mag ingat ka sa mga taong nakapalibot sayo o sa mga taong nasa paligid mo na hwag basta basta magtitiwala
Sinisimbolo rin ng ahas sa panaginip ang sexuallity(kapag ang ahas ay nasa ibabaw ng kama)

#HINAHABOL
-Kung sa panaginip ikaw ay hinahabol ng tao,hayop at mga nakakatakot na nilalang nangangahulugan lamang ito na may mga issue kang iniiwasan at ayaw harapin sinisabi din ng panaginip mo na dapat ay harapin mo ang mga yan para matapos na

#BAHA
-Kung sa panaginip ay baha at marumi ang tubig nangangahulugan lamang ito na hindi mo na nakokontrol ang iyong emosyon at damdamin.at paalala din ito sayo na dapat mong kontrolin ang iyong damdamin

#PAMILYA
-Kung sa panaginip ay nakita mo ang iyong boung pamilya nangangahulugan lamang ito na may karapatan kang magsaya dahil ang kahulugan nito may darating na kasaganaan

#DYAMANTE
-Nagpapahiwatig ang tungkol sa diyamante na naliliwanagan ka na sa mga bagay na bumabagabag sa damdamin at isip

#BAWANG
-Ipinahihiwatig ng panaginip tungkol sa bawang ang nalalapit mong pagyaman

#KANDILA
-Ang kahulugan ng kandila sa panaginip ay ang pagkakaroon ng liwanag.ibig ring sabihin nito na mayroong hinahanap na hindi pa nakikita

#MAGULANG
-Kung sa panaginip ay nakita mo ang iyong magulang ipinahahayag lamang nito na kung gaano mo kamahal ang iyong magulang.kung nasa malayo pagungulila ang ibinabadya nito

#KASINTAHAN,nobyo/nobya
-Kung sa panaginip ay nakita mo ang iyong nobya nangangahulugan lamang ito na kung ano ang nadarama mo para sa kanya

#HAGDAN
-Kung sa panaginip ikaw ay umaakyat sa hagdan o nakakita ng hagdan.ito ay reprentasyon na may bagong lebel na narating at pagkakaroon ng mas mataas na kamulatan

#PAGPANAW
-ang pagpanaw sa panaginip ay isang indikasyon na kahandaang tumanggap ng mga bagong tungkulin at responsibilidad.kadalasang nanaginip nito ay ang mga buntis dahil may mga bago na silang tungkuling gagampanan

#NAGPAPAALAM SA PANAGINIP
-ang masayang pagpapaalam ay isang indikasyon ng magandang pagsasama at masayang okasyon
-ang malungkot naman na pagpapaalam sa kausap ay magbabadya ng hindi magandang pagsasama at malungkot na pangyayari at pagwala ng mahal sa buhay

#KUYSILYO
-malalagpasan ang masamang kapalaran kapag naagaw ang kutsilyo mula sa kaaway

#BAHAGHARI
-Ang ibig sabihin ng panaginip tungkol sa pahaghari ay makakamit ang pinakamimithing kahilingan na magbibigay ng tuwa at ligaya

#NAKAHUBAD
-Kung sa panaginip ikaw ay nakahubad at walang saplot.nangangahulugan lamang ito na may mga bagay kang itinatago sa iyong sarili at ayaw mong itoy malaman ng iba at nais mong maging secure.sinasabi din ng panaginip mo na dapat ay maging totoo ka sa iyong sarili at dapat maging totoo kana sa mga taong nakapaligid sayo

#KALENDARYO
-Isinasaad ng panaginip tungkol sa kalendaryo ang paglipas ng panahon

#ASAWA
-Kahandang patali sa isang obligasyon
O kahandaang tumanggap n mga bagong tungkulin ito ang kahugan ng panaginip tungkol sa asawa

#KABAONG
-Pag nanaginip ka ng kabaong walang laman,may mga issue sa buhay mong mahirap iresolve o ayusin muli....
Kapag nanaginip ka Ng kabaong may lamang Tao.....makakaranas ka Ng matinding problemang susubok sa tatag Ng emosyon mo... O, kaya Naman pakiramdam mo Wala Kang kalayaang gawin Ang nais mo...at may pumipigil sayo na mailabas mo Ang iyong saloobin... It's possible that some aspect of your life is coming to an end...

#MULTO
-kapag nakakita ng multo o hinahabol ng multo sa panaginip.nagbabadya ito na possibleng may mga isyo ka iniiwasan.

#BARYA/COINS
-"Material needs" ibig sabihin magkakaroon ka ng maraming pera o dili kaya'y pagkakakitaan

#NGIPIN
(madalas at marami ang nkkpanaginip nito)
-Kapag nanaginip ka na nabubulok ang ngipin mo it implies na mayroon kang sinabi na dapat hindi mo sinabi. Maaring may nasabi kang hindi totoo o hindi kaaya aya, at maaaring pakiramdam mo naguiguilty ka sa iyong mga sinabi.
-Kapag nanaginip ka na ang ngipin mo ay kumikinang at kumikintab it signifies happiness and fulfilled wishes.
-Kapag nanaginip ka na nagsesepilyo ka it refers to your level of confidence, mga struggles mo at ang iyong pagiging agresibo ukol dito. Kailangan mong obserbahan ang iyong sarili at ang iyong interest. Maaari ring you pakiramdam mo na nasa alanganin kang posisyon at sitwasyon.
-Kapag nanaginip ka na nalalagas ang ngipin mo at pilit na ibinabalik mo ito sa iyong bibig it signifies a lack of self-confidence and embarrassment. Takot ka na malaman ng iba na gipit ka. Kapag kalmado ka sa panigip habang nalalagas ang ngipin mo, then it may point na kaya mo ang sarili mong problema at solusyonan ito.

#ISDA
-Kung sa panaginip ang nanghuhuli ng isda o nakakita ng isda.nangangahulugan lamang ito na may kakamtin na kalayaan.sinisimbolo rin ng isda sa panaginip ang kalayaan

#BASURA
-Kahandang itapon ang isang bagay o kalimutan ang isang taong naging bahagi ng iyong buhay

#ANGHEL
-May matatanggap na balita.nangangahulugan din ito na magiging maganda ang relasyon sa pagitan ng dalawang nagmamahalan.

#NAHULOG SA BANGIN;
-Kapag Nanaginip Ka Na Nahulog Kasa Bangin Ibig Sabihin Mahuhulog Kasa Isang Tao Na Hindi Karapat Dapat Dahil Tandaan Ang Bangin Ay Mapanganib Pwede Kang Masugatan At Pwedeng Ikaw Ay Mamatay.

#BANGKA
-kapag nanaginip na nakakita ng bangka nangangahulugan ito na may mga pangarap na malapit nang makamit

#ARTISTA
- Kapag nakakita ng artista sa panaginip, indikasyon ito nang admirasyon sa partikular na artista at ang kagustuhan na magkaroon ng katulad nilang katangian.

#PAGKAIN
- Ang Pagkain ay indikasyon na makakamit ang pinakaasam na pag~ibig at mga inaasam na pangarap sa buhay.

#APOY
- Maaaring Sumisimbolo sa Masimbulong Damdamin, Paghahangad, Transpormasyon, Pagkakamulat O Maaari Ring Matinding Galit Ang Panaginip Tungkol Sa Apoy. Indikasyon Rin Ito Na May Mga Bagong Pangyayari Sa Buhay.

#KAAWAY
- Ang paglitaw ng kaaway sa panaginip ay indikasyon na kailangang harapin ang mga bagay na tinatakasan. Sumisimbolo rin ito ng iyong takot at galit.

#BUGHAW
- Kapag Nakakita Ng Kulay Bughaw O Asul Sa Panaginip, Indikasyon Ito Ng Katahimikan Ng Loob At Simbolo Ng Kakuntentuhan Ng Damdamin.

#PAGSUSUKA
- Ang pagsusuka ay indikasyon na dapat balewalain o kalimutan na ang mga bagay na ipinaghihimagsik.

#DUGO
-Kabiguan Sa Pag-ibig Ang Ibinababala Ng Panaginip Na May Dugo.

#PAKIKIPAGTALIK
Ang panaginip hinggil sa sex ay may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng iyong sarili o pagkatao. Maaaring senyal ito sa iyo upang mabatid na naghahanap ang iyong pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex. Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi mo ito mailabas sa reyalidad kaya lumalabas ito sa iyong panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan o nagsisilbing palaisipan. Bunga rin ito ng pagiging malamig, hindi mapag-eksperimento o kakulangan sa komunikasyon ninyong mag-asawa na may kinalaman sa sex. Posible rin na nangangahulugan ito na may mga pagkakataon na nakaka-isip kang gumawa ng hindi maganda o tumikim sa ibang partner, subalit ikaw ay nag-aalala sa hindi magandang kalalabasan nito, tulad ng pagbubuntis ng posibleng kalaguyo o ang mahuli ka ng iyong asawa. Kundi man ganoon, maaari rin naman na may babaeng sa palagay mo ay tinutukso ka o kaya naman, may mga pagkakataong maaari kang mahumaling o matuksong gawin ang mga bagaY NA ito.Makabubu-ting maging matatag at huwag magpadala sa tukso o sa tawag ng laman. Huwag hayaang masira ang iyong pamilya at makagawa ka ng bagay na maaari mong pagsisisihan ng habambuhay. Gawin ding mas maging bukas ang komunikasyon sa pagitan ninyong mag-asawa upang maiwasan ang pagdududa at maliwa-nagan ka sa mga bagay na hindi mo maarok o maaaring maging mitsa upang kayo ay magkaroon ng misunderstanding.

IBON
-Para sa mga mayayaman, ito ay nagpapahiwatig ng isang malungkot at kabaliktarang mga pangyayari sa kanilang buhay,para naman sa mga hindi pinalad sa buhay,ito ay nangangahulugan ng magandang pagbabago sa kanilang buhay lalung-lalo na kapag naririnig nilang kumakanta ang mga ibong ito.

GUSALI
- Kapag ang mga gusaling ito ay malalaki at kahanga-hanga, nangangahulugan ito na ikaw ay magiging maunlad, masaya’t makakapunta sa isang magandang lugar, kapag mayroong mga palasyo,maaari itong kayamanan at karangalan,ngunit kapag ito ay maliit at sira-sira maaaring maghihirap ka sa buhay.

KANDILA
- Kapag gumagawa ka ng kandila, magiging makabuluhan ka sa buhay ng ibang tao. Kasiyahan at salu-salo naman ang batid ng pagbili ng kandila. Samantalang ang kandilang sinindihan ay nangunguhulugan ng bagong pag-asa at kasiyahan, kasawian naman at kawalan ng mahal sa buhay ang dala ng nahipang ilaw ng kandila.

PUSA
- Paglilinlang ang kahulugan ng pusa. Para sa isang dalaga, ito ay nangangahulugan na ang kanyang kasintahan ay pilyo at madaya. Para naman sa isang binata, ang kanyang buhay pag-ibig ay magiging masalimuot, sa isang negosyante nangangahulugan ito ng di matapat na mga empleyado. Ang mapanaginipan ang mga pusa at kuting ay nagpapakita ng malaki ngunit hindi maaayos na pamilya.

ULAP
- Ang maitim na ulap ay nangunguhulugan ng mga kasawiang hindi mo kakayanin. Kapag ito ay magkawatak-watak at kumupas palayo, matagumpay mo’ng malalampasan ang mga pagsubok na ito.

PAGSAYAW
- Nangahulugan ng hindi inaasahang kapalaran, makakatanggap ng kagandahang loob mula sa iba at karangalan. Maaari ring masayang balita galing sa isang dating kaibigan. Ang mga plano mo ay magiging matagumpay at mapapasayo ang tiwala ng isang importanteng tao.

KUMAKAIN
-Kapag kumakain ka nang mag-isa, nangangahulugan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya,pagkakahiwalay ng magkarelasyon at pagkatalo sa negosyo. Kapag kumakain ng may kasama,nangangahulugan ito ng masayang pagkakaibigan, tagumpay sa negosyo at kasiyahan sa buhay may-asawa.

PAG-AAWAY
-Ito ay nagpapakita ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magkarelasyon. Kung napanaginipan mo na ikaw ay may kaaway at ikaw ay natalo,ang mga kaaway ay magtatagumpay,pero kung ikaw ay nanalo,matatalo mo ang mga kaaway.

APOY
-Nangangahulugan ito ng kalusugan,matinding kasayahan at mabuting maiinit na relasyon sa mga kaibigan. Kapag sunog naman ang napaginipan, ito ay magdadala ng kalamidad.

DUGO
- Nagpapahiwatig ng kabiguan at kamatayan. Sa taong magpapakasal, maaring may pipigil nito. Kung duguang kamay naman ang napanaginipan, makakasakit o makakapanakit ka ng ibang tao, kaya mag-ingat.

TULAY
- Ang pagtawaid sa tulay sa araw ay pagpapahiwatig ng pagbabago ng sitwasyon. Kung makakatawid nang walang hadlang magiging matagumpay ka sa iyong buhay. Ngunit kung may pipigil, nangunguhulagan ito ng panlilinlang ng kasintahan. Kung tatawid sa sirang tulay, maaring hindi ka magtatagumpay kaya huwag magpaiba-iba ng desisyon.

LIBINGAN
- ang paglalakad sa isang libingan ay nagpapahiwatig ng isang pagpapakasal.

KABATAAN
- Tagumpay sa negosyo at pagdami ng kayamanan. Ang magagandang kabataan ay nangangahulugan ng mahahalagang kaibigan, kung sila naman ay marumi’t payat, masisira ang iyong reputasyon. Ang makita silang sinisilang ay pampamilyang kasiyahan. Ang pagkamatay naman nila’y kasawian sa buhay.

UMAAKYAT
- Ang pag-akyat sa mataas na bundok at pagtapak sa pinakarurok nito ay nangangahulugan na matagumpay mong malalampasan ang mga dabok sa iyong buhay.

ASO
- ang paghimas ng aso ay senyas ng pagdating ng isang tapat na kaibigan. Kapag ikaw ay kakagatin, nangunguhulugan ito na ang matalik mo’ng kaibigan ang siya ring pinakahigpit na kaaway. Ang pagtahol naman ng isang aso ay nangangahulugan ng alitan sa pagitan ng magkakaibigan o kasintahan.

NALULUNOD
- Paglubog ito ng kalakal at kahirapan. Ngunit kung may darating na tulong, nagdadala ito ng kaibigang may kakayahang magbigay ng suliranin sa iyong mga problema.

PAGBAHA
- Para sa mga negosyante at mandaragat ito ay nagpapahiwatig ng tagumapay. Ngunit sa iba, ito ay magdadala ng masamang kalusugan, di matagumpay pagkamit ng hustisyang inaasam at masamang kaaway.

PAGKAIN
- Kung hindi makukuha ang mga pagkaing ninanais makakaranas ka ng kahirapan. Ang pag-imbak ng maraming pagkain ay nangangahulugan ng isang mahabang paglalakbay. Maraming panganib ang darating ngunit malalampasan mo ito at magkakamit ka ng yaman sa ibang bansa at makakauwi ng kasaganaan.

BAHAY
- Kapag gumugawa ng bahay, ito ay nagpapahiwatig ng kaunlaran at tagumpay sa kalakal. Pagkatapos ng panaginip na ito, maaaring magkaroon ng malaking pagtaas ng kita sa negosyo.

KUTSILYO
- Ito’y nagpapahiwatig ng kahirapan. Kapag ito ay kumikinang at matalim, asahan ang pagdating ng isang kaaway, kapag may hihintay na resulta ng kaso, hindi mo makukuha ang inaasahang resulta. Kung ikaw ay may asawa matutuklasan mong ika’y kanyang niloloko, kung kasintahan naman, ikawa ay kanyang ipagpalit sa iba at kung sa negosyo ikaw ay hindi magtatagumpay.

HAGDANAN
- ang pag-akyat sa mataas na hagdan ay nagpapahiwatig ng makinang na hinaharap sa lahat ng aspekto ng buhay. Ngunit kung ika’y mahuhulog sa hagdan, hindi ka magtatagumpay sa buhay. Kung masisira ang hagdan nangunguhulugan din ito ng pagkasira ng mga pangarap.

SANTO’ANGEL
ang panaginip ng mga ganito ay simbolo ng iyong ganap na pagtangap sa diyos at kalinisan ng kaluoban .. nagpapasalamat sayo ang nasa taas kaya sa panaginip pinararamdan nya sayo ang kanyang pasasalamat..

NUMERO
-hindi lahat ng numero sa panaginip ay nagagamit sa suwerte at sugal dahil posibleng may ibang kahulugan ang paglabas nito sa iyong pag’tulog o panaginip. Posible rin na lagi mong iniisip na tatama ka sa lotto o sa anumang sugal na tinatayaan mo, kaya lumalabas ito sa iyong panaginip. Kumbaga, nagiging sagisag ng pag-asa mo ang lotto upang mahango sa kahirapan at upang maging biglang-yaman ka at upang maging katapusan na rin ito ng paghihirap mo.

BAUL o KAHON
-Ang panaginip ukol sa baul o kahon ay kadalasang sumasagisag sa kayamanan o salapi, subalit maaaring mayroon ding ibang kahulugan ito maliban sa pagtaya sa lotto o pagkakaperahan.

BUHOK
-ang buhok ay tinuturing na “masculine power”kapag ang buhok ay patuloy na malusog at mahaba, ito ay tanda ng pagiging malusog at patuloy na kasaganaan.
Kapag nalalagas ang buhok ito ay kawalan ng ganang pang-seksuwal at maaaring ding pagkabaog o babala ng pagkakasakit.

PAGLIPAD
-ang panaginip na lumilipad ay simbolo ng napakataas na pangarap, na sa ngayon ay inaasam-asam na matupad, pero malayo pa sa katotohanan.

SUMUSUKA/NAGSUSUKA
-Ang panaginip na suka ka ng suka ay nagsasabi na kailangang mong i-reject o i-discard ang ilang aspeto ng iyong buhay na nakakainis o hindi maganda. Mayroong ilang emotions o concepts na dapat mong harapin at pakawalan para mag-move-on ka na. Kapag nakakita naman ng ibang tao na sumusuka, nagsasaad ito ng false pretenses ng ibang tao na gusto ka lang pagsamantalahan o gulangan.

SNAIL(suso)
Kapag nakakita ng suso o snail sa panaginip, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay masyadong nagiging sensitive. Ikaw ay nakadarama ng may pumipigil sa mga gustong gawin, subalit nagnanais na mas maging outgoing at energetic. Alternatively, ang snail ay nagsasabi rin na ikaw ay may nagagawang steady progress sa iyong mithiin sa buhay. Kailangang gawin mo ito sa sariling pace o gustong bilis.

UOD/BULATE
Ang ukol naman sa uod o bulate, ay may kaugnayan ito sa weakness at general negativity. Ikaw ay may mababang pananaw sa iyong sarili o ng sinumang may kaugnayan sa iyong buhay.

UNGGOY
-Ang mga unggoy ay nagpapahiwatig na ikaw ay kailangang mamulat sa katotohanan at maging praktikal. Paminsan-minsan kailangan mo ring gumawa ng kalokohan o kailangan din maging "tuso" imbes na ikaw ang mabiktima ng panloloko ng iyong mga kaibigan.

PAGLILINIS/NAGLILINIS
-kung nanaginip kang may kamaganak kang naglilinis ng inyong bahay, ibig sabihin nun may magandang reputasyon na mabubuo o nagaganap tungkol sa inyong pamilya.

MATALIM NA BAGAY
-kung nanaginip ka ng kutsilyo o kahit na anong matalim na bagay, ibig sabihin pangaral,
(halimbawa)
-Nanaginip ka na may sumaksak sayo ibig sabihin may nangaral sayo at tinanggap mo ang pangaral nya

BANYO/C.R
-pag nanaginip ka ng banyo ibig sabihin trabaho
(Halimbawa)
-Pag naglilinis ng banyo magkakaroon ka ng trabaho.
-pag pumasok sa loob ng banyo at wala ka namang ginawa, ibig sabihin may magbibigay sayo ng trabaho pero hindi ka matatanggap.

#BUKID
Ang bukid sa panaginip ay representasyon ng pag-unlad at kasaganahan.
Ang bukid ay nagpapahiwatig din ng isang masaganang career at masayang pakikipagrelasyon na mauuwi sa kasalan na ang nasabing itatayong pamilya ay mamumunga ng malulusog at matatalinong mga anak.

#TUMATAKBO
kapag ikaw ay tumatakbo at may humahabol sa iyo, ibig sabihin agad nito ay “may tinatakasan kang problema, pagkakamali guilty feeling, kahinaan o kasalanan sa sarili mo o sa iyong kapwa” kaya ikaw ay takbo ng takbo habang may humahabol sa iyo.

#TUMATAKBOnaNAKALUTANG
ang panaginip “tumatakbo ka na lumulutang” ay nagsasabi may isang pangarap kang medyo mataas sa kasalukuyan mong posisyon o estado ng pagkatao, pero matutupad at maabot mo rin ito.

#STRANGER
Kapag may lalaki o stranger na biglang lumabas sa ating panaginip na hindi natin kakilala, ang ibig sabihin ito ay “may sorpresang darating sa ating buhay sa susunod na mga araw”.

#BULAKLAK
ang bulaklak sa panaginip ay nagpapahiwatig ng sa susunod na mga araw makadadama ka ng masayang damdamin dulot ng isang romantikong pag-ibig at masarap na relasyon.

#BABOY
Negative and possitive ang pananaginip ng BABOY,
Maaring ipinapahiwatig nito na ang iyong mga kaibigan ay hindi mapagkakatiwalaan.
Sa pag-ibig, ito ay nangangahulugan na ang minamahal ay tutoo at tunay na nagmamahal sa iyo.
Nagpapahiwatig din ito nang pagsubok, ngunit ng dahil sa iyong pagsusumikap lahat ng ito ay iyong malalampasan.

#BARYAorCOINS
ito ay nangangahulugan ng pag-unlad at kasaganahan.
Barya ang inilalagay sa “aras” ng mga bagong kasal na ginagamit sa mismong oras ng kasal ng magkasintahan, na sumisimbolo ng itatayong pamilya ng bagong kasal, kaya naman bukod sa kasaganahan ang barya sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng masaya at masaganang pag-iibigan ng magkasintahan o ng mag-asawa.

#BARKO
 kapag nanaginip ka ng barko, ito ay malinaw na pahiwatig ng isang malayuang paglalakbay. Kung payapa ang alon sa iyong panaginip habang nakasakay ka sa barko ito ay nagpapahiwatig ng isang mabunga at mabiyayang paglalakbay. Samantala, kung sadyang maalon ang karagatan o kaya naman ay may malaking unos o bagyo habang nakasakay ka sa barko, ito ay tanda ng isang masalimuot, mahirap at maraming problemang pangingibang bansa.

Kung tinitingnan mo lamang ang barko sa iyong panaginip habang ikaw ay nasa dalampasigan at ang barko ay nasa laot ng dagat, ito ay tanda na nangangarap kang mag-abroad sa kasalukuyan, pero malayo-layo pang matupad.
Kung ikaw ang pasahero, ito ay tanda na sa kasalukuyan may maliit na bagay kang gusto mong makamit at makakamit mo naman ito sa tulong ng ibang tao.

#INANGYUMAOnaDUMALAWsaPANAGINIP
kadalasan, napapanagipan natin ang mga taong matagal ng patay, dahil may isang katangi-tanging bagay na nais ipahiwatig ang ating unconscious self – at ito ay ang “sobrang mahal na mahal natin ang nasabing tao kaya siya ay madalas nating mapapanaginipan!”

#NALIGAWkaNALIGAWkayo
ito nangangahulugang sa kasalukuyan hindi mo sure o hindi mo tiyak ang tinatahak mong direksyon sa’yong buhay. Maaari ring hindi mo tiyak ang mithiin o layunin mo sa buhay kung tama ang iyong ginagawa o ito bang kasalukuyan mong buhay.

#ASO
Kung tinatahulan o inaangilan ka ng aso sa iyong panaginip ito ay babala na maaaring may naiinggit sa iyong kaibigan o kaya naman’y may lihim kang makakaaway sa susunod na mga araw at palihim kang sisiraan.

#BEACH
naliligo sa beach at napakalinaw ng tubig” ay nangangahulugang “sa susunod na mga araw, magkakaroon ka ng isang masarap at masayang karanasan sa relasyong may kaugnayan sa pag-ibig, sa sex o kaya’y sa damdamin, na sobrang ikatutuwa ng kaluluwa mo at ng buo mong pagkatao.”

#WHITESANDsaBEACH
“white sand”ang kulay na puti ay nagpapatiwatig ng “purity at newness”. Ibig sabihin ang emosyon o ang masayang damdamin na iyong mararanasan sa susunod na mga araw ay “bagong-bagong experience lamang na maghahatid sa iyo sa isang masarap at walang kahulilip na kaligayahan.”

#BAGYO
Ang bagyo sa panaginip ay nagbabala ng malaking suliranin at mga hindi inaasahang balakid. Ito ay tanda rin ng pagsubok, pagkakasakit, hinanakit at galit.

#BUKANGLIWAYWAY
Ang panaginip na pagbubukang liwayway ay nagpapahiwatig ng “rebirth, renewal, new beginning” at ito rin ay naghahayag ng “spring” o “tag-sibol”.

#UMAAKYATsaBUNDOK
Kapag “umaayat sa bundok at ikaw ay nadadalian ito ay tanda na madali mong maabot o makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay, higit lalo kung sa iyong panaginip ay “nakarating ka sa tuktok ng bundok.”

#DRAGON
ang “dragon” naman sa panaginip ay nagpapahiwatig ng “isang kakaibang animal creature” na kaya lumalabas sa ating panaginip ay dahil sa may binabantayang mahalagang bagay.

#KRUS
Para sa mga sinaunang matatanda sinasabing “ang krus ay nangangahulugan ng kalbaryo, pasakit at paghihirap na tulad ng dinaanan ni Jesus bago siya muling nabuhay.”

#ALAHAS
ang alahas sa panaginip ay nagbabadya ng positibong pangyayari. Kung sa iyong panaginip ay may nagbigay sa iyo ng mga alahas ito ay tanda na sa susunod mga araw bibilangin mo ang mga biyayang sunod-sunod na darating ng hindi mo inaasahan.

#BAHAY
Kung ang bahay sa panaginip ay malaki, maganda, magara at pangmayaman, ito ay tanda na sa kasalukuyan ang iyong “unconscious self” ay nangangarap pa o naghahangad pa ng “something more” sa kanyang buhay o karagdagan pang achievement sa lipunang kanyang ginagalawan. Kung medyo may kaya na siya sa buhay at bahagyang nakakariwasa, ang panaginip na maganda at malaking bahay ay nagpapahiwatig na nangangarap kang yumaman, na kung lagi mong napapanaginipan ang nasabing maganda at magarang bahay ito ay tanda ng kasaganahang pang matateryal hanggang sa tuluyang yumaman.

#TAONGwalangMUKA
Kapag nanaginip ng taong walang mukha, nagsasaad ito na ikaw ay patuloy na naghahanap ng sarili mong identity at hinahanap mo kung sino ka. Maaaring nagsasabi rin ito na hindi ka sigurado kung paano babasahin ang ibang tao pati na rin ang kanilang emosyon. Nagpapakita rin ito ng iyong kagustuhan at kahandaang makilala at maintindihan ang mga taong ito sa mas malalim na antas.

MGA KAHULUGAN NG MGA PANAGINIP

Kahulugan ng mga Panaginip by Bhelamira #TUBIG -Ang tubig sa panaginip ay kumakatawan sa ating emosyon at damdamin -Ang malinis na tubi...